8:28 AM: My mom offered that she'll take me to the office on her way to POEA to fix some stuffs. Aalis na kasi sya sa Thursday. Syempre, walang car si Mommy, so sakay na lang kami ng cab. Sana lang wag ako ma-late. Hehehe.
8:59 AM: Damn! Ang hirap sumakay ng taxi. Baka ma-late ako.
9:10 AM: At last nakasakay din!
Driver: San ho?
Mommy: Sa POEA, daan lang din ng Buendia.
Buti maganda din ang taxi. Malamig. Ako nakaupo sa harap.
Ipod mode. LSS: "Immortality" by Celine Dion and Bee Gees. Ang ganda eh.
Habang nasa may Sucat Exit, aba si Manong Driver naging friendly. He opened up a conversation kay Mommy. He used to be an OFW pala at 62 years old na daw sya. May dalawang anak na college graduate at nasa Call Center at may asawa na tatlo ang baba dahil daw sa sobrang katabaan. Mejo matagal na din daw siya sa Saudi. So naka-relate si Mommy at nag-usap sila. Ang mga experiences nila sa Riyadh. Sa King Faisal at sa King Fahad at ang walang kamatayang usapan at comparison ng Pilipinas sa Saudi. Siyempre, panalo na naman ang Saudi.
More mention pa din si Manong Driver ng mga names na kilala niya sa Riyadh.
Manong, malaki po ang Riyadh at ung sa may King Faisal at King Fahad. Hindi po kilala ng Mommy ko lahat ng sinasabi niyo.
At napunta ang usapan sa Pilipinas at ang mga nangyayari dito. Compare na naman sa ibang bansa at sa Saudi. Ang goverment ni Gloria and ang kingdom ni King (Abdullah?!?). Ang corruption. Pag-bayad ng tax sa Saudi at sa Pinas. At bigla ako natigil sa sinabi ni Manong Driver...
Driver: Alam mo ba kung ano ang Secret to Success dito sa atin? Corruption (Korupsyon sabi nya).
Oh well. One way or another, malamang tama din sya. Lahat naman naging corrupt at na-corrupt.
Devilish laugh. Let's corrupt more souls! Bwahahaha. Adik.
15 minutes before 10:00 AM: Nasa may Buendia area na kami. Thank God. Hindi ako late.
9:53 AM: I kissed my Mom goodbye. Bumaba na din ako ng cab. Thanks! Love you. It was the first time na makasabay ko siya for work. Awww :)
Tuesday, January 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment